Mensahe ni VP Leni Robredo sa AJHS para sa EDSA@35
Nakikikisa ang Ateneo de Manila Junior High School sa pagdiriwang natin ng ika-35 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Mula noon hanggang ngayon, manatili nawa sa atin ang diwa ng mapayapang pagbabago para sa kaayusan ng ating bayan. Panoorin at pakinggan natin ang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, Kagalang-galang Leni Robredo at ang ating Pangulo ng Pamantasan, Fr. Roberto Yap SJ, sa kanilang hamon at mensahe para sa ating lahat.