Tatlong Obra Maestra ni Padre Ferriols
August 16, 2018
“Mabuti.”
Ito ang tanging salitang napili ni Marc Oliver Pasco (H.S. ’98, AB Philosophy ’02, MA Philosophy ’07, Kagawaran ng Pilosopiya) upang ilarawan ang Heswita at guro na si Padre Roque Ferriols, SJ (H.S. ’41).

Walang kakulangan ng mga pagkilala tungkol sa kanya, tulad na lamang ng “Who Is Padre Ferriols?” ni Pamela Joy Mariano-Capistrano (AB Philosophy ’04, MA Philosophy ’11), miyembro ng Kagawaran ng Pilosopiya at ng artikulong ito mula sa GUIDON noong 2013. Ang mga sanaysay na ito ay nakapagbibigay ng malalim at mahusay na kabatiran sa kung sino ang dalubhasang pilosopo na si Padre Ferriols.
Maging si Emmanuel F. Lacaba (A.B. Humanities ’70) ay nagsulat ng artikulo para sa GUIDON noong 1968 patungkol kay Padre Ferriols, pinamagatang “Phenomenologist Ferriols is source of deep insights on sundry matters,” kung saan niya nabatid niya na “Like the reality he talks about every day in his classes, Father Ferriols is rich and complicated and can’t be categorized.”

Kahit si Fr. Ferriols mismo ay nagsulat ng kanyang sariling talambuhay, sa parehong Ingles at Filipino—Glimpses Into My Beginnings o Sulyap Sa Aking Pinanggalingan. Siya rin ang nag-akda ng A Memoir of Six Years kung saan isinalaysay niya ang unang anim na taon ng kanyang pagtuturo ng pilosopiya sa Filipino.
Para sa kanyang ika-94 na kaarawan, itinala namin ang ilan sa kanyang mga pinakamakabuluhang libro.
Pambungad sa Metapisika (1991)

Pilosopiya ng Relihiyon (2001)

Glimpses into my Beginnings/Sulyap sa aking Pinanggalingan (2016)
