Core Courses

KURSONG PANLAHAT

Bahagi ng core curriculum ng Pamantasang Ateneo de Manila ang mga kursong panlahat.

FILI 11: Malayuning Komunikasyon
 
Paglalarawan ng Kurso. Tinatalakay sa kurso ang mga salik at proseso ng komunikasyon nang may diin sa layuning maipahayag ng mag-aaral ang kanyang pag-iisip, pag-unawa, pagdanas, at pagdama na bunga ng kanyang mga karanasan bilang indibidwal at bahagi ng komunidad. Binibigyang-diin sa kurso ang papel ng mag-aaral bilang palaisip at propesyunal na pinag-iisa ang kaalaman, kultura, at pamumuhay ng mga lokalidad na kanyang kinalalagyan at ng higit na malawak na daigdig na kanyang kinabibilangan.
 
 
FILI 12: Panitikan ng Pilipinas | Mga Kaisipan sa Kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas
 
Paglalarawan ng Kurso. Ang kurso ay isang pag-aaral sa kalipunan ng Panitikang Filipino mula sa panahong prekolonyal hanggang sa panitikan ng ating panahon, sa pasalita hanggang sa akdang nasusulat sa Pilipinas. Mula sa mga akdang representasyon ng bawat panahon, susuriin ang dinamismo ng panitikan at kasaysayan kaalinsabay ng pamamayani ng iba-ibang uri ng pananaw na umiral sa bawat panahon. Kakasangkapanin sa pagsusuri ang piling kaisipan sa karanasang Filipino na tinatawid ang iba-ibang panahon bilang paraan ng pagpapatuklas sa kabuluhan ng kasaysayang pampanitikan sa kasalukuyang mga kamalayan.