Graduate Programs
Bukas para sa lahat ng mag-aaral na nakapagtapos na ng kanilang kolehiyo sa anumang larangan, at nais magpakadalubhasa sa Panitikang Filipino. May ibinibigay na 50% diskuwento sa matrikula sa mga gurong papasok sa programa. Kinakailangan lamang magpasa ng sertipikasyong magpapatunay ng panunungkulan bilang guro sa pinaglilingkurang institusyon.
Nakatuon sa pananaliksik ang programa. Sasanayin ang mag-aaral sa iba’t ibang paraan ng pagsusuri at pananaliksik na pampanitikan at pangkultural. Nagwawakas ang daloy ng progama ng mag-aaral na papasok sa MA Panitikang Filipino sa pagpapasa ng tesis. Maaari silang magpasa ng tesis na produkto ng pananaliksik pampanitikan o kultural, pagsasalin, o malikhaing pagsulat.
MA Pagtuturo ng Filipino
Bukas para sa lahat ng mag-aaral na nakapagtapos na ng kanilang kolehiyo sa anumang larangan, at nais magpakadalubhasa sa pagtuturo ng Panitikang Filipino sa anumang antas. May ibinibigay na 50% diskuwento sa matrikula sa mga gurong papasok sa programa. Kinakailangan lamang magpasa ng sertipikasyong magpapatunay ng panunungkulan bilang guro sa pinaglilingkurang institusyon.
Kaiba sa sa pagpapakadalubhasa sa larang ng edukasyon, higit na pagtutuunan ng programa ang pagpapayaman ng kaalaman ng mag-aaral sa panitikang Filipino kaysa sa mga estratehiya ng pedagohiya. Nagwawakas ang daloy ng progama ng mag-aaral na papasok sa MA Pagtuturo ng Filipino sa pagpapasa ng tesis na kaugnay ng pagbubuo ng mga kasangkapang panturo nang ginagamit na nilalaman ang mga natutunan sa panitikang Filipino. Maaari silang magpasa ng tesis na koleksiyon ng mga modyul, silabus, teksbuk, o programa ng pagtuturo.