Audition Call: "Mga Tanikalang Puso"

May 19, 2013

Inaanyayahan po kayong lahat ng Ricardo Leong Center for Chinese Studies at ang Chinese Studies Program ng Pamantasan ng Ateneo de Manila sa isang Audition Call para sa dulang "Mga Tanikalang Puso" ni Jay Crisostomo IV. Gaganapin po ito ng ika-25 ng Mayo, 03:00 ng hapon hanggang 08:00 ng gabi sa LH-206, Leong Hall.

    Mga tauhan
  • Xu Zhimo
    • isang Tsino na makata
  • Zhang Youyi
    • magandang probinsyana, unang asawa ni Xu sa arranged marriage
  • Lin Huiyin
    • makatang natagpuan ni Xu sa Cambridge at marahil ang ka-isa-isang babaeng tunay niyang minahal
  • Lu Xiaoman
    • pangalawang asawa ni Xi matapos niyang makipaghiwalay kay Zhang
  • Koro na gaganap bilang iba-ibang tauhan

Mga pangangailangan:

  • 2"x2" na litrato
  • Isang ballad sa Filipino
  • Maikling sayaw; kailangan po ng sariling musika sa isang flash drive, mp3
  • Isang monologo mula sa dula (ibibigay sa lugar mismo)

Para sa karagdagang kaalaman, maaring tawagan o padalan ng text si Regina sa 09278523961