Andres Bonifacio Sesquicentennial Student Conference

November 08, 2013

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio, ang ama ng himagsikan, malugod na iniimbitahan ng Kagawaran ng Kasaysayan ang lahat sa Andres Bonifacio Sesquicentennial Student Conference sa ika-13 ng Nobyembre, 2013, Miyerkules, ika-9 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali, sa Leong Hall Auditorium. Limang papel, na resulta ng masusing akademikong pananaliksik ng mga mag-aaral ng Loyola Schools sa mga paksang pangkasaysayan na may kaugnayan sa buhay, sulatin, at nagawa ni Bonifacio, ang itatanghal sa araw na ito. Mula sa mga papel na ito, tatlong papel ang kikilalanin bilang pinakamahusay.